Medical kits para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia inulan ng batikos sa Kamara

By Erwin Aguilon May 16, 2018 - 05:10 PM

Kinontra ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles ang plano ng Department of Health na mamahagi ng medical kits sa mga nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Nograles, masyadong malaki ang pondo na P270 Million sa programa ng DOH sapagkat ang laman lamang naman ng mga medical kits ay thermometer, isang bote ng mosquito repellent at dalawang bote ng multi vitamins.

Hindi rin kumbinsido dito ang grupo ng mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Sinabi ni Sumachen Dominguez, pangulo ng mga magulang na hindi ang medical kits ang kailangan ng mga nabakunahan nilang anak.

Nauna rito, sinabi ng DOH na sa oras na maging supplemental budget ang isinauling P1.6 Billion ng Sanofi Pasteur para sa mga hindi nagamit na bakuna ay huhigutin dito ang P270 Million para sa ipapamahaging medical kits.

TAGS: Congress, Dengue, medical kits, Nograles, Congress, Dengue, medical kits, Nograles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.