Dating Sen. Angara biniyan ng pagkilala ng mga dating kasamahan sa Senado
Isinagawa ang isang necrological service para kay dating Senate President Edgardo Angara sa Senado kaninang alas-10:00 ng umaga.
Unang nagbigay ng kanyang eulogy si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.
Ipinahayag ni Estrada na hinahangaan niya si Angara na naging kalihim ng Department of Agriculture at Executive Secretary noong kanyang termino.
Aniya, pinili niya ang dating senador bilang running mate noong 1998 presidential elections dahil sa kanyang katapatan, talino, galing at paghangad na maiahon sa kahirapan ang mga PIlipino.
Sinabi rin ni Estrada na ikinagagalak niyang maging kaibigan si Angara.
Nagbigay din ng kanyang eulogy si dating pangulo at ngayo’y Pamapnga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Pinuri ni Arroyo ang katalinuhan, kagalingan at prinsipyo ni Angara bilang public servant.
Ilan pa sa mga nagbigay ng eulogy sina dating Senate President Nene Pimnentel Jr., mga dating Senador Rene Saguisag, Pia Cayetano, at Senador Joel Villanueva.
Dumalo rin sa necrological service sina Senate President Koko Pimentel, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Tito Sotto, Senators Migs Zubiri, Richard Gordon, Loren Legarda, at Franklin Drilon.
Si Angara ay pumanaw sa edad na 83 noong Linggo dahil sa atake sa puso.
Sa Linggo ililibing ang dating mambabatas sa kanyang hometown sa Baler, Aurora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.