Comelec sinisingil na ng mga guro na nagtrabaho noong Brgy at SK elections

By Jong Manlapaz May 16, 2018 - 03:46 PM

Inquirer photo

Mariing itinanggi ng grupo ng mga teacher ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na naibigay na sa mga guro ang mga honararia at travel allowance ng mga nagsilbing electoral boards sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Benjamin Valbuena, presidente ng Alliance of Concerned Teachers, nagsisinungaling ang Comelec sa sinabi nito na nabayaran na ang mga teacher na nagsilbi bilang kasapi ng electoral board.

Kinondena rin ni Joselyn Martinez, Act-NCR Union President ang palpak na paraan ng Comelec para ingatan at pangalagaan ang kalagayan ng mga guro.

Maraming guro ang nakaranas ng harassment, sobrang pagod, puyat at gutom.

Ayon naman kay Ruby Ana Bernardo pinuno ng Quezon City Public Schools Teacher Association na wala silang nakuhang tulong mula sa Comelec na ipinangako sa kanila lalo na sa panahon na binabastos, minumura at hinaharass ang mga guro.

TAGS: ACT, board of elections, comelec, honoraria, teachers, ACT, board of elections, comelec, honoraria, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.