Panukalang dagdag na kontribusyon para sa SSS hinarang sa Kamara

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Nanindigan si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi na kailangan pa ang dagdag na kontribusyon sa Social Security System o SSS.

Ayon kay Zarate, kailangang ipatupad muna ang mga reporma sa SSS at sa halip na pagtataas ng kontribusyon ang dapat na puntiryahin ng ahensya ang mga delinquent employers na hindi nagre-remit ng kontribusyon sa loob ng sampung taon.

Sinabi pa ni Zarate na dapat alisisn ang perks at bonuses ng mga SSS board members at pinakokolekta din ang mga multa na ipinataw ng korte sa mga lumabag sa batas ng ahensya.

kung ipipilit anya na ituloy ang increase sa kontribusyon ay lalabas na napaka-insensitive ng SSS sa pangangailangan ng kanilang mga kasapi.

Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas matapos irekomenda ng SSS na hindi muna ibigay ang pangakong P1,000 pension increase sa 2019 at planong dagdagan ng 1.5 hanggang 3% ang kontribusyon ng mga miyembro dahil aabot na lamang hanggang 2026 ang fund life ng nasabing ahensya ng pamahalaan.

Read more...