2 babaeng pulis na dinukot ng ASG sa Sulu nakalaya na

By Mark Makalalad, Rohanisa Abbas May 16, 2018 - 03:07 PM

Pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang dalawang babaeng pulis na kanilang dinukot sa lalawigan ng Sulu.

Kinumpirma ito ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde.

Ayon naman kay Chief Supt. Billy Beltran, hepe ng Western Mindanao Police Office, pinalaya ng bandidong grupo si PO1 Dinah Gumahad kahapon habang kaninang umaga naman pinalaya si PO3 Bennie Rose Alvarez.

Sinabi ni Albayalde nasa pangangalaga ngayon ng mga tauhan ni Sulu Governor Abdusakur Tan ang nasabing mga pulis.

Sa ngayon, hindi pa matiyak ng PNP chief kung paano napalaya ang dalawang pulis.

Pero sinabi ni Albayalde na malaki ang naitulong ng Sulu official sa pagpapalaya sa mga dating bihag.

Noong nakalipas na linggo ay ilang magkakasunod na operasyon ang inilunsad ng Armed Forces of the Philippines at PNP para mailigtas sina Alvarez at Gumahad pero sila ay nabigo.

TAGS: abdusakur tan, Abu Sayyaf, albalaye, PNP, Sulu, abdusakur tan, Abu Sayyaf, albalaye, PNP, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.