Anwar Ibrahim napagkalooban na ng pardon, nakalabas na ng ospital

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 16, 2018 - 01:00 PM

AP Photo | Andy Wong

Pinagkalooban na ng full pardon si Malaysian leader Anwar Ibrahim.

Nakalaya na ang 70 anyos na si Anwar at lumabas na din ng ospital kung saan siya sumasailalim sa gamutan.

Nakasuot ng itim na suit si Anwar nang lumabas sa pagamutan at sinalubong ng kaniyang supporters.

Kasama rin niya ang kaniyang pamilya, mga abogado, at ilang prison guards.

Ayon sa abogado ni Anwar pinagkalooban ng full pardon si Anwar kaya mangangahulugang mababalewala na ang lahat ng mga nagdaang kaso nito.

Una nang sinabi ni Prime Minister elect Mahatid Mohamad na tutuparin niya ang kaniyang campaign promise na palalayain si Anwar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Anwar Ibrahim, Radyo Inquirer, Anwar Ibrahim, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.