Sen. Lacson hindi pabor na pumunta sa West PH Sea si Pangulong Duterte

By Jan Escosio May 16, 2018 - 12:21 PM

Kahit umatras pa sa kanyang pagpunta sa Philippine o Benham Rise si Pangulong Rodrigo Duterte sapat na ito para kay Sen. Ping Lacson para ipakita na ito ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni Lacson magandang hakbang ang ginawa ni Pangulong Duterte na magpadala ng Filipino scientists sa Philippine Rise para magsagawa ng scientific research.

Kasabay nito, sinabi ng senador na tutol naman siya sa sinasabi ng ilang kapwa senador na dapat sa West Philippine Sea nagpunta ang punong ehekutibo.

Katuwiran nito, may mga imprastaktura na ang China sa West Philippine Sea at ang pagpunta niya doon ay maaring magmukhang paghahamon.

Giit ni Lacson wala naman talagang kalaban laban ang Pilipinas sa China sa usapin ng puwersang pandigma kayat aniya maganda kung isyu sa agawan o panghihimasok sa teritoryo ay idadaan sa diplomasya.

Maari din aniya na magpasaklolo ang Pilipinas sa international community sa ating pagtutol sa mga hakbangin ng China sa loob ng ating teritoryo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Benham Rise, panfilo lacson, Radyo Inquirer, Benham Rise, panfilo lacson, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.