Joint exercises ng South Korea at Amerika tuloy kahit nagalit ang NoKor

AP Photo

Kahit ikinagalit ng North Korea, magpapatuloy ang joint exercises ng South Korea at Estados Unidos.

Ayon sa defense ministry office ng Seoul, tatapusin nila ang taunang “Max Thunder” exercise na tatagal ng dalawang linggo at nagsimula noong Biyernes.

Sangkot sa nasabing annual military drills ang nasa 100 aircraft ng dalawang bansa.

Iginiit ng defense ministry na wala namang problema sa relasyon ng Estados Unidos at South Korea kaya walang dahilan para itigil ang drills.

Layon umano nitong paigtingin ang kakayahan ng air force ng magkabilang panig at hindi para magsanay o magpatupad ng pag-atake saanman.

Dahil sa nasabing joint exercise, kinansela ng North korea ang high level talks nito sa South Korea.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...