TRAIN law pwedeng rebisahin ng komite sa kamara

By Erwin Aguilon May 16, 2018 - 10:24 AM

Nagpahayag ng kahandaan si House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua na pag-aralan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN.

Ito ay kasunod nang mabigat na epekto nito sa presyo ng mga bilihin.

Paliwanag ni Cua, hindi maaring balewalain ang panawagan sa pag-review dito sapagkat lagay ng ekonomiya ang nakasalalay.

Gayunman, tutol ang mambabatas sa mga panukala na suspendihin ang implementasyon ng TRAIN habang muli itong pinag aaralan dahil sa mabigat na implikasyon nito sa kaban ng pamahalaan.

Kumpyansa naman ang mambabatas sa mga economic managers ng gobyerno dahil kumikilos naman anya ang nga ito upang i-shift ang monetary policy upang mapatatag ito sa gitna ng epekto ng TRAIN.

Iginiit ni Cua na mayroong safety nets ang batas upang maprotektahan ang publiko sa epekto nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, train law, House of Representatives, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.