Inaprubahan na ng kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang SIM card registration Bill na mag-aatas sa lahat ng gumagamit nito na iparegistro ang kanilang sim card.
Sa botong 167-YES at 6 -NO nakalusot ang House Bill 7233 o ang panukalang “Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act” oobligahin ang mga bumibili ng sim card na magpakita ng valid identification card na may larawan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng bibili.
Kailangan din ng gagamit ng SIM card na mag accomplish ng controlled-number registration form galing sa telcos kung saan nakasaad ang full name, date of birth, gender at address ng end-user na nakalagay sa valid government-issued identification document with photo.
Para naman sa mga foreign nationals na bibili ng sim card kailangan din ng mga itong i-register ang kanilang full name, passport number at address in the SIM card registration form.
Inaatasan din ng panukala ang mga telcos na isumite sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang verified list ng kanilang mga authorized dealers/agents nationwide sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang panukala.
Layunin ng panukala na tulungan ang mga law enforcement agencies na matuntonang mga kriminal na gumagamit ng mga mobile phones na mayroong mga post-paid and pre-paid SIM sa kanilang mga iligal na aktibidad
Kapag naging batas ang lalabag dito ay pagmumultahin ng P300,000 sa 1st offense, P500,000 sa 2nd offense at P1M sa ikatlong paglabag kung ang lumabag ay presidente at pang executive officers ng telcos.
Suspension ng operation naman at multa na P5,000 hanggang P50,000 kung ang lumabag ay direct seller ng sim cards.
Kapag ang lumabag naman ay opisyal o empleyado ng implementing agency sa ilalim ng panukala maari itong parusahan ng suspension o dismissal from service at penalty na iaatas ng korte.