Kerwin Espinosa nagsumite ng kontra-salaysay sa kinakaharap na drug case sa DOJ

By Ricky Brozas May 16, 2018 - 09:49 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Tanging ang self-confessed drug distributor sa Visayas na si Kerwin Espinosa ang nakapagsumite ng kontra salaysay sa reklamong illegal drug trade na inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice (DOJ).

Personal na pinanumpaan ni Espinosa ang kanyang salaysay sa harap ng panel of prosecutors.

Gwardyado si Espinosa ng National Bureau of Investigation (NBI) nang dumating sa DOJ para dumalo sa preliminary investigation.

Samantala, no-show na naman ang hinihinalang big time drug lord na si Peter Go Lim sa pagdinig ngayong araw.

At sa halip na counter affidavit ang isumite, submission of evidence lamang iprinisinta ng kanyang abugado na si Atty. Magilyn Loja na nagsabi ring nababahala ang kanyang kliyente na magtungo sa DOJ dahil sa banta sa kanyang buhay.

Inalmahan naman ito ni Assistant Solicitor General Angelita Miranda na tumatayong abugado ng PNP-CIDG dahil salig sa Rules of Criminal Procedure, walang ibang pleading na dapat isumite sa preliminary investigation kundi affidavit.

Sa huli, pumayag din ang panel of prosecutors na bigyan ng karagdagang panahon si Peter Lim para magsumite ng kontra salaysay sa third supplemental judicial affidavit ni Marcelo Adorco, dating tauhan ni Kerwin Espinosa, na bagamat isa sa mga respondent sa reklamo ay itinuturing ng PNP-CIDG na testigo sa kaso.

Pero dapat, personal na panumpaan ni Peter Lim ang kanyang kontra-salaysay sa harap ng panel.

Itinakda ng panel ang susunod na pagdinig sa May 30, 2018 kung saan, bukod kay Peter Lim, binigyan na rin ng pagkakataon ang iba pang respondent na kinabibilangan nina Peter Co at Lovely Impal para magsumite ng kontra salaysay.

Nakatakda namang magpalabas ang panel ng produce order para kina Co at Impal nang gayon ay payagan sila ng New Bilibid Prisons at Bureau of Jail Management and Penology na makadalo sa pagdinig at panumpaan ang kanilang counter-affidavit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: department of justice, drug cases, kerwin espinosa, department of justice, drug cases, kerwin espinosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.