FDA nagbabala sa publiko sa pagbili at pag-inom ng Belgian beer na Stella Artois
Inabisuhan ng Food and Drug Administration (FDA) na iwasang bumili o uminom ng beer na Stella Artois dahil sa posibleng kontaminasyon.
Ayon kay FDA Director General Nela Puno, pinare-recall ng manufacturer ng Belgian beer ang libu-libong 300-milliliter na mga bote na posibleng may “small glass particles.”
Partikular na pinababawi ang mga bote ng Stella Artois ang mga may best before stamps na April 25 at 26. June 3, at September 15 at 16.
Ipinatutpad naman ng local distributor ng beer na Cooze On-Line Inc. ang recall.
Maaari namang mag-email ang mga bumili ng Stella Artois beer sa [email protected] o [email protected] para sa mga katanungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.