MRT-3 mag-iisang buwan nang walang aberya

Dalawampu’t dalawang araw nang walang naranasang aberya ang mga pasahero sa biyahe ng MRT-3

Ayon kay MRT-3 media affairs head Aly Narvaez ito na ang pinakamatagal na walang naitalang aberya sa biyahe ng tren base sa rekord nila mula taong 2011.

Noong 2014, labingtatlong araw ang pinakamahabang panahon na walang naging aberya sa biyahe ng MRT-3.

Itong nagdaang linggo napaabot din ng MRT-3 sa labingwalo ang bilang ng umaandarna tren.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng tren nai-deploy simula noong November 2017.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...