Filipino community sa Damascus, Syria nagdaos ng Santacruzan

DFA Photo

Sa kabila ng security issues sa Syria, nagawa ng Filipino community sa Damascus na maidaos ang tradisyunal na Santacruzan o Flores De Mayo,

Ang aktibidad ay bahagi rin ng selebrasyon ng embahada ng Pilipinas sa Damascus ng National Heritage Month.

Ang pagdaraos ng Santacruzan ang unang bahagi ng mga aktibidad para sa National Heritage Month ng embahada kasama ang Filipino Community sa Syria.

Ayon sa embahada ng Pilipinas, kahit mayroong problema sa seguridad sa Syria minabuti nilang ipagdiwang ang kultura at kasaysayan ng bansa.

Kasabay ng Santacruzan, ginunita din ang ika-labingdalawang founding anniversary ng FCS sa Damascus at isinabay na rin ang 2018 Labor Day commemoration.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...