3 manggagawa pinangangambahang natabunan sa naganap na landslide sa Cebu City

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 16, 2018 - 07:57 AM

CDN Photo

Patuloy ang search and rescue operations sa tatlong nawawalang construction workers matapos ang landslide sa Cebu City.

CDN Photo

Sa ulat ng Cebu Daily news nangyari ang landslide sa Barangay Banilad sa nasabing lungsod Miyerkules (May 16) ng madaling araw.

Tatlong manggagawa umano ang pinangangambahang natabunan ng gumuhong lupa at mga tipak ng bato.

May mga bakal ding kasamang bumagsak sa naganap na landslide.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng pagguho ng lupa.

CDN Photo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay banilad, cebu daily news, landslide, Radyo Inquirer, Barangay banilad, cebu daily news, landslide, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.