Pangulong Duterte makikipagpulong sa Prime Minister ng Papua New Guinea

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 16, 2018 - 07:18 AM

Papua New Guinea PM Peter O’Neill

Magkakaroon ng pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill.

Nasa bansa ngayon si O’Neill para sa tatlong araw na official visit at kahapon ng tanghali ito dumating ng Pilipinas.

Magsisimula ang aktibidad ni O’Neill sa wreath laying ceremony sa Rizal Park sa Maynila mamayang alas 10:00 ng umaga.

Miyerkules naman ng 5:00 ng hapon ang pagtungo ni O’Neill sa Malakanyang. Isang welcome ceremony ang ibibigay kay O’Neill sa Palace grounds na susundan ng paglagda niya sa guest book at pulong nila ng pangulo.

Matapos ang bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider ay inaasahang magbibigay sila ng joint press statements.

Bukas, araw ng Huwebes, bibisita si O’Neill sa Philippine Rice Research Institute sa Muñoz, Nueva Ecija.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Papua New Guinea, Peter O'Neill, Prime Minister, Radyo Inquirer, Papua New Guinea, Peter O'Neill, Prime Minister, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.