Xi Jinping pinrangka ni Pang. Duterte sa una pa lang nilang pagkikita kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea
Naging prangka si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping tungkol sa isyu ng agawan sa West Philippine Sea nang sila ay unang magkita sa China.
Sa kaniyang talumpati sa send-off ceremony sa mga Pinoy scientists na magsasagawa ng research sa Philippine Rise, ikinuwento ng pangulo kung paanong naging prangka siya noon kay Xi sa una nilang pagkikita.
Ayon sa pangulo sinabi niya mismo kay Xi na ang Pilipinas ay claimant sa pinag-aagawang teritoryo at handa siyang magpunta sa South China Sea at kumuha doon ng langis.
Naging kalmado naman aniya si President Xi at sinabing kababalik lang noon ng magandang relasyon ng Pilipinas at China kaya makabubuting huwag munang talakayin sa nasabing panahon ang isyu.
Kwento ng pangulo, ang nasabing pag-uusap nila ni Xi ay nangyari noong unang pagbisita niya sa China.
Dagdag pa ni Duterte, handa naman talaga siyang ilaban ang pag-aari ng Pilipinas pero ang tanong niya sa sarili ay may mapapala ba ang Pilipinas kung makikipaglaban sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.