Pangulong Duterte hindi nakapag-jetski sa Philippine Rise dahil sa init

By Chona Yu May 16, 2018 - 03:43 AM

Onboard BRP Davao del Sur — Nais sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumakay ng jetski para ikutin ang Philippine Rise

Ngunit pinigilan ng Presidential Security Group (PSG) ang pangulo dahil sa sobrang init at makasasama ito sa kalusugan ng punong ehekutibo.

Ayon kay PSG commander General Lope Dagoy, wala namang security issue sa pagsakay sa jetski ng pangulo, kundi ito ay para lang sa kanyang kalusugan.

“Pinigilan lang namin at sobra ang init. Not good for his health. Wala namang security issue masyado,” ani Dagoy.

Sa halip na ang pangulo, ay sina Special Assistant to the President (SAP) Bong Gong, Presidential son Baste Duterte, at Representative Jericho Nograles na lamang ang sumakay ng jetski at nag-ikot sa Casiguran Bay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.