Gloria Macapagal-Arroyo, muling tatakbong kongresista sa 2016

By Isa Avendaño-Umali October 14, 2015 - 04:34 PM

arroyo1
Inquirer file photo

Nakapaghain na si Pampanga Rep. Gloria Arroyo ng Certificate of Candidacy o COC para sa muli niyang pagkandidato bilang Kongresista sa 2016 Elections.

Si dating Cong. Mikey Arroyo ang nagsumite ng COC ng kanyang ina sa Commission on Elections o Comelec sa lalawigan ng Pampanga.

Si CGMA ay sasabak sa ikatlong termino bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa Kamara.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC dahil sa kasong plunder, kaugnay sa umano’y maanomalyang paggamit ng intelligence funds ng PCSO noong kanyang administrasyon.

Hindi pa rin umano bumubuti ang medical condition ni Arroyo subalit wala pa ring pasya ang korte sa hirit nitong house arrest.

Sa panayam sinabi ni dating Cong. Arroyo na bagama’t may sakit ay nananatiling mataas ang determinasyon ng kanyang ina na makalalabas din ito ng pagamutan at maipagpapatuloy ang kanyang mga tungkulin bilang mambabatas.

Wala namang inilabas na pahayag ang kampo ni CGMA sa kung sino ang kanyang susuportahang presidential aspirant sa 2016.

TAGS: 2016, Arroyo, CGMA, comelec, Pampanga, 2016, Arroyo, CGMA, comelec, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.