Security guard arestado dahil sa panghahalay sa Quezon City

By Justinne Punsalang May 16, 2018 - 03:34 AM

Arestado ang isang lalaki matapos irekalamo ng pangmomolestya ng menor de edad na babae sa Area C ng Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Joseph Tomenden, 48 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang security guard.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6, pinagbabantaan ni Tomenden ang 12 taong gulang na biktima na babarilin ang kanyang mga kaanak kung hindi ito papayag sa gusto ng suspek.

Kaya naman inireklamo ng pamilya ng biktima si Tomenden sa mga otoridad na silang nagsagawa ng entrapment operation.

Sa loob mismo ng bahay ng suspek naabutan ito kasama ang biktima.

Kwento ng dalagita, hinahalikan at hinahawakan siya ni Tomenden sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Aminado si Tomenden na hinahalikan niya ang dalagita ngunit itinanggi na hinihipuan niya ito. Aniya pa, apat na buwan na umano silang magkarelasyon biktima.

Hinihimok ng mga otoridad ang iba pang nabiktima ni Tomenden na lumapit sa kanilang himpilan upang magsampa ng reklamo laban dito.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa himpilan ng QCPD Station 6.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.