COMELEC hindi nagdeklara ng failure of election

By Justinne Punsalang May 16, 2018 - 03:24 AM

Hindi nagdeklara ang Commission on Elections (COMELEC) ng failure of election sa alinmang lugar sa Pilipinas para sa katatapos lamang na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Sa isang pulong balitaan ay sinabi ni COMELEC Commissioner Sheriff Abas na 100% sa mga presinto sa buong bansa ang matagumpay na nakapagdaos ng halalan.

Aniya pa, nabalam lamang ang eleksyon sa isang polling center sa liblib na barangay sa Northern Samar, ngunit natuloy ang halalan sa lugar.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, noong huling barangay at SK elections noong 2013, 130 na failure of election ang naitala.

Samantala, ayon kay acting COMELEC Chairman Al Parreño, hanggang sa alas-7 ng gabi ng Martes, May 15, ay nasa 99.81% sa 42,044 na mga barangay sa buong bansa ang nakapagdeklara ng mga nanalong kandidato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.