DOJ ASec Macarambon walang kinalaman sa smuggler ng alahas sa NAIA

By Len Montaño May 16, 2018 - 01:07 AM

SOURCE: Jun Macarambon

Itinanggi ni Department of Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon Jr. ang alegasyon na nakialam siya para sa isang pinaghihinalaang smuggler ng ginto at mga alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Macarambon ay isa sa dalawang assistant secretaries na pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil kung hindi, sila ay masisibak.

Sa briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nabanggit ang pangalan ng asec na pinagbibitiw sa pwesto ng pangulo.

Pero ayon kay Macarambon, wala siyang ginawang mali.

Paliwanag nito, may naalala siyang isang insidente nang tanungin niya ang Bureau of Customs (BOC) na muling kwentahin ang buwis ng kanyang manugang na babae noong December 23, 2017.

Pinagbabayad umano ang kanilang pamilya ng P6 milyon na buwis para sa mga alahas na may assessed value na P7 milyon.

Humiling aniya sila ng recomputation hanggang maibaba ang halaga sa P1.38 milyon.

Ayon kay Macarambon, magpapadala siya ng sulat sa pangulo para ipaliwanag ang kanyang sarili.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.