“Buhay Carinderia” program ng TPB sisiyasatin ni DOT Secretary Puyat

Kakalkalin ni bagong talagang Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang “Buhay Carinderia” program ng Tourism Promotions Board sa gitna ng umano’y mga iregularidad nito.

Ipapatawag ni Puyat si TPB Chief Cesar Montano para magpaliwanag kung bakit nagbayad umano ito ng P80 milyon na tseke bago pa matapos ang naturang food tourism program ng gobyerno.

Unang nabalita na nagbayad si Montano ng P80 milyon sa isang Linda Legaspi para sa “Buhay Carinderia” program.

Aalamin ni Puyat sa TPB kung ano ang program na sana aniya ay hindi isa na namang iregularidad na naging mitsa ng pagbibitiw sa pwesto ng kanyang pinalitan na si dating Tourism Secretary Wanda Teo.

Tatanungin ng kalihim si Montano kung bakit ito nagbayad para sa isang programa na hindi pa nagsimula at kung dumaan ba ito sa tamang proseso.

Read more...