Nominasyon at aplikasyon para sa ombudsman, isinara na ng JBC

By Len Montaño May 16, 2018 - 12:49 AM

Isinara na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang nominasyon at aplikasyon para sa posisyon ng ombudsman na mababakante sa pagtatapos ng termino ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo.

Noong 2011 ay itinalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Morales kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon sa source, kabilang sa mga nominado para sa ombudsman post ay ilang miyembro ng hudikatura, isang gabinete, at isang law school classmate ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga applicant at nominee ay sinasabing kinabibilangan nina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, special prosecutor at dating Sandignbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval, Davao City Regional Trial Court (RTC) Judges Carlos Espero II at Rowen Apao-Adlawan, abogado ni Pangulong Duterte na si Edna Batacan, at ang law school classmate nito na si Rex Rico.

Nominated din umano sina Supreme Court Associate Justices Presbitero Velasco Jr. at Teresita Leonardo De Castro, gayundin sina Solicitor General Jose Calida at House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.