Pangulong Duterte hindi na natuloy sa Philippine Rise

Hindi natuloy si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtungo sa Philippine Rise.

Sakay ng BRP Davao del Sur ng Philippine Navy, hanggang Casiguran Bay lamang sa lalawigan ng Aurora nakaabot ang pangulo.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isang “logictics nightmare” kung tutuloy pa ang pangulo sa Philippine Rise.

Paliwanag ni Roque, 120 nautical miles ang layo ng Casiguran Bay sa Philippine Rise.

Pero ayon kay Roque, bagaman hindi natuloy ang pangulo sa pagpunta sa Pilippine Rise, symbolic pa rin naman ang pagtungo ng pangulo sa BRP Davao del Sur dahil sa send off sa 50 scientists para sa research.

Sinabi pa ni Roque na malinaw naman ang plano ng pangulo na send off lamang ang kanyang gagawin.

Iginiit pa ni Roque na lagpas sa 200 nautical miles ng exclusive economic zone ang Philippine Rise.

Hindi feasable aniya ang pagtungo sa Philippine Rise lalo na’t nasa ilalim ito ng dagat.

Symbolic pa rin aniya ang pagtungo ng pangulo dahil naipakita nito sa buong mundo na pag-aari ng Pilipinas ang Philippine Rise.

Read more...