DILG hinamon na kasuhan ang mga kongresista na sangkot sa vote-buying

Inquirer file photo

Hinamon ng ilang kongresista si Interior Usec. Martin Diño na kasuhan ang mga kongresistang sinasabi nitong sangkot sa vote-buying sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kina Gabriela Party-list Rep. Emmi De Jesus at Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin, dapat pangalanan ni Diño ang aniya ay nasa 100 kongresista na sangkot sa vote-buying upang mapanagot ang mga ito.

Sinabi ni Villarin na sa halip puro salita, dapat ay kaagad kasuhan ni Diño ang mga binabanggit nitong kongresista na lumabag sa election laws.

Iginiit nito dapat bago pa ang halalan ay napaghandaan na ito ng DILG at may ginawa na ring hakbang ang mga itong hakbang upang maiwasan ang issue sa vote-buying.

Isinisi naman din ng kongresista ang aniya’y “remiss” na ito sa tungkulin ng DILG ang masyadong pagtutok sa pagpalit ng porma ng pamahalaan patungong federalism.

Read more...