Duterte: Hindi papayag ang China na mapatalsik ako sa pwesto

Inquirer file photo

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiniyak sa kanya ng China na hindi ito papayag na mapatalsik siya sa pwesto.

Mismong si Chinese President Xi Jinping ang umano’y nagsabi sa pangulo na hindi sila papayag na mawala sa pwesto ang kanilang itinuturing na kaalyadong lider ng bansa.

Sinisi rin ng pangulo ang U.S dahil sa kanilang pananahimik noong nagsisimula pa lamang ang China na magtayo ng mga istraktura sa West Philippine Sea.

Muli ring inulit ni Duterte na hindi papasok sa isang kaguluhan ang bansa na sa huli ay alam niyang magiging dehado ang mga Pinoy.

Kasunod ito ng kanyang pahayag na nakikinabang ang mga Pinoy sa maayos na relasyon sa ngayon ng China at Pilipinas.

Si Pangulong Duterte ay kasama ngayon sa grupong papunta sa Philippine Rise para pangunahan ang paglalagay ng bandila ng bansa doon.

Read more...