Panukalang pagdurog sa ARMM lusot na sa tatlong komite sa Kamara

By Erwin Aguilon May 15, 2018 - 05:51 PM

Lusot na sa tatlong komite sa Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law o House Bill 6475.

Hiwalay ang naging botohan ng House Committee on Local Government, Muslim Affairs at Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity.

Sa ilalim ng BBL nakasaad ang kasunduan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nabuo noon pang panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Nakasaad sa panukala na bubuwagin na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao at papalitan ito ng Bangsamoro Entity.

Sa ilalim nito, mananatili sa national government ang kapangyarihan may kaugnayan sa defense, external security, foreign policy, monetary policy, coinage, postal service at postal service.

Kasama rin dito ang citizenship, naturalization, immigration at customs and tarrif.

Itinatakda rin dito ang bagong institutional arrangement sa pagitan ng Bangsamoro entity at National Government kasama ang wealth at revenue sharing.

TAGS: ARMM, bangsamoro entity, MILF, ARMM, bangsamoro entity, MILF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.