DOE: Bansa hindi kinapos ng kuryente noong eleksyon

Walang naganap na power interruption sa mga planta ng National Power Corporation sa kasagsagan na Barangay at Sangguniang Kabataan elections ayon sa datos ng Department of Energy.

Ipinahayag ni DOE Secretary Alfonso Cusi na walang pumalya sa mga planta na pag-aari ng NPC at independent power producers tulad ng kanilang ipinangako.

Ayon kay Cusi, isinailalim sa economic shutdown ng NPC System Operations ang Casecnan at San Roque dahil sa mababang water elevation.

Sa kabila nito, hindi naman naapektuhan ang suplay ng kuryente.

Sinabi ng DOE na normal naman ang suplay ng kuryente sa bansa bagaman may kakulangan sa ilang lugar.

Ayon kay Cusi, naka-heightened alert pa rin ang DOE hanggang sa ma-canvass na ang lahat ng mga boto.

Nauna na ring ipinangako ng DOE na titiyakin nila ang sapat na supply ng kuryente sa panahon ng halanan.

Read more...