Duterte nagbago ang isip hindi na sasakay ng jet ski sa Philippine Rise

By Chona Yu, Den Macaranas May 15, 2018 - 03:31 PM
Photo: MalacaƱang Press Corps Pool

Hindi na sasakay sa jet ski si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpunta sa bahagi ng Benham Rise na kilala na rin ngayon sa tawag na Philippine Rise.

Habang sakay ng BRP Davao Del Sur patungo sa Philippine Rise, sinabi ng pangulo na ang kanyang anak na lamang na si Baste at Special Assistant to the President Bong Go na lamang ang sasakay sa jet ski.

Isasabay ang seremonya ng pagtungo sa nasabing underwater plateau sa unang taong anibersaryo ng pagdedeklara ng pangulo ng pangalang Philippine Rise sa lugar.

Magugunitang noong panmahon ng kampanya para sa nakaraang presidential election ay sinabi ng pangulo na sasakay siya ng jet ski papunta sa West Philippine Sea pero hindi rin niya ito itinuloy.

Samantala, nilagdaan na rin ng pangulo ang isang proclamation na nagdedeklara sa Philippine Rise bilang isang protected marine sanctuary.

TAGS: baste, duterte, go, jets ski, Philippine Rise, baste, duterte, go, jets ski, Philippine Rise

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.