Gobyerno maglalagay ng bandila sa ilalim ng Philippine Rise
Isang historical event ang gagawin ng mga divers mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa Benham bank.
Ito ay dahil sa magsasagawa ng kauna-unahang bouy casting at maglalagay ng Philippine flag ang ilang divers sa pinakamababaw na bahagi ng Benham bank bukas.
Ang bouy ay dinisensyo alinsunod sa international standards at ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamumuno ni Director Eduardo Gongona.
Ayon kay Lt. General Emmanuel Salamat, chief ng AFP Northern Luzon Command, aabot sa 120 hanggang 140 na divers mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ang magda-dive sa Philippine Rise.
Nakalagay aniya ang Phillippine flag sa fiber glass at nakasemento na ang base nito.
Aabot sa limang tonelada ang bigat ng Philippine flag na ibabaon sa ilalim ng Philippine Rise.
Bukod sa paglalagay ng Philippine flag, susubukan din ng mga divers na magsagawa ng exhibition at magsagawa ng formation ng watawat ng Pilipinas.
Isang flag raising ceremony ang gagawin at sasabayan ito ng pag-dive ng mga divers at iwawagaygway ang bandila ng Pilipinas sa ilalim ng dagat sa Benham bank.
Mayroon ding fly-by ng mga eroplano mula sa Philippine Air Force na nagsasagawa ng Maritime Air Patrol o (MARAPAT) at sasabay ito ng pagawit ng Lupang Hinirang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.