Necrological service para kay dating Sen. Edgardo Angara idaraos sa senado

Magdaraos ng necrological service para kay dating Senate President Edgardo Angara sa senado bukas, araw ng Miyerkules.

Ayon sa opisina ng kanyang anak na si Senador Sonny Angara, nakatakda ang necrological service alas-10:00 ng umaga.

Ilan sa mga magbibigay ng eulogies para sa dating senador ay sina dating pangulo at ngayo’y Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo, at dating pangulo at ngayo’y Manila mayor Joseph Estrada.

Magbibigay rin ng eulogy ang ilang mga kasalukuyang senador, gaya ni Senate President Koko Pimentel, at mga dating senador, kabilang si Nene Pimentel.

Pumanaw si Edgardo Angara noong Linggo matapos atakehin sa puso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...