Deployment ban sa skilled at semi-skilled workers sa Kuwait inalis na ayon sa Malakanyang
Lifted na ang deployment ban para sa mga skilled at semi-skilled workers sa Kuwait.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Malakanyang.
Ayon kay Roque, inalis na ang umiiral ban base na rin sa desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) pero para lamang ito sa mga skilled at semi-skilled workers.
Ang deployment ban para sa mga hosuehold service workers ayon kay Roque ay aalisin din naman kalaunan pero hindi niya pa masabi kung kailan.
Dahil sa partial lifting ng deployment ban, inaasahan na 20,000 mga manggagawa ang maidedeploy na sa Kuwait.
Magugunitang nalagdaan na ng memorandum of agreement sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas na naglalatag ng proteksyon sa mga household service workers sa Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.