Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabihan na ng pangulo sina DOJ Asec. Moslemen Macarambon Sr. at DPWH Asec. Tingagun Ampaso Umpa na magbitiw.
Ang payo aniya ng pangulo sa dalawa, magsumite na ng kanilang resignation letters.
Ani Roque may mga reklamo ng korapsyon laban kina Macarambon at Umpa na iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.
Ani Roque sa panig ni Macarambon, lumitaw sa imbestigasyon ng PACC na nanghihimasok ito sa pagpupulist sa bansa ng mga ginto at iba pang precious jewelries sa NAIA.
Si Umpa naman ay may reklamong kinakaharap dahil sa pamomorsyento umano sa mga contractor sa ilang proyekto sa ARMM.
Sa kaniyang mga talumpati nitong nagdaang mga araw ay paulit-ulit na binabanggit ng pangulo na mayroon pang mga opisyal ng gobyerno na maaalis sa pwesto.