Asec. mula DPWH at DOJ pinagbitiw sa pwesto ni Pangulong Duterte – Roque

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 15, 2018 - 11:43 AM

(UPDATE) Pinagbibitiw na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang assistant secretaries mula sa Department of Justice (DOJ) at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pagkakasangkot umano sa korapsyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabihan na ng pangulo sina DOJ Asec. Moslemen Macarambon Sr. at DPWH Asec. Tingagun Ampaso Umpa na magbitiw.

Ang payo aniya ng pangulo sa dalawa, magsumite na ng kanilang resignation letters.

Ani Roque may mga reklamo ng korapsyon laban kina Macarambon at Umpa na iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.

Ani Roque sa panig ni Macarambon, lumitaw sa imbestigasyon ng PACC na nanghihimasok ito sa pagpupulist sa bansa ng mga ginto at iba pang precious jewelries sa NAIA.

Si Umpa naman ay may reklamong kinakaharap dahil sa pamomorsyento umano sa mga contractor sa ilang proyekto sa ARMM.

Sa kaniyang mga talumpati nitong nagdaang mga araw ay paulit-ulit na binabanggit ng pangulo na mayroon pang mga opisyal ng gobyerno na maaalis sa pwesto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: department of justice, Department of Public Works and Highways, Moslemen Macarambon Sr, Radyo Inquirer, Tingagun Ampaso Umpa, department of justice, Department of Public Works and Highways, Moslemen Macarambon Sr, Radyo Inquirer, Tingagun Ampaso Umpa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.