WATCH: Mga empleyadong sinibak sa pagawaan ng sardinas nagprotesta; gate ng kumpanya pinagbabato ng isda

By Jan Escosio May 15, 2018 - 11:17 AM

Kuha ni Jan Escosio

Galit na galit na pinagbabato ng mga bulok na isdang tamban at basyong lata ng sardinas ng mga manggagawa ng Slord Development Corp., sa Navotas City ang isang malaking kopya ng Executive Order No. 51 ng Malakanyang.

Bahagi ito ng kanilang kilos protesta bilang pagkondena sa pagtanggal sa 41 nilang kasama sa pabrika ng Unipak Sardines.

Binatikos din ng mga manggagawa ang ipapatupad na three-day compressed working schedule, ang below minimum wage na kanilang nakukuha, harassement at ang sapilitang pagpirma sa isang waiver na hindi nila kung ano ang magiging laman.

Binatikos din nila ang umano ay pananakot sa kanila nang hilingin nila sa Department of Labor and Employment na magsagawa ng inspeksyon sa kanilang pabrika para makita ang mga paglabag sa labor laws.

Nagwakas ang kanilang programa sa pagsunog sa kopya na EO 51 na kanilang dinungisan ng mga bulok na tamban.

TAGS: Protest Rally, Radyo Inquirer, sardines, unipak, Protest Rally, Radyo Inquirer, sardines, unipak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.