Lalaki arestado matapos magpanggap na pulis sa Samar

Huli ang isang pekeng pulis sa Barangay Binobokalan sa Hinabangan, Samar.

Ayon kay Senior Supt. Nicolas Torre, heoe ng pulisya ng Samar, nagpakilala ang suspek bilang Police Inspector Jay Salidaga.

Hinihimok ng pekeng pulis ang mga botante na iboto ang kanyang mga kamag-anak sa kasagsagan ng eleksyon.

Nakumpiska kay Salidaga ang pekeng ID, laruang baril, mga bala, posas at radyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...