Bahay ng incumbent barangay captain sa Cebu pinagbabaril

By Rohanisa Abbas May 15, 2018 - 10:35 AM

Pinaulanan ng bala ang gate ng bahay ng incumbent na kapitan ng Barangay Bulak sa Dumanjug, Cebu.

Ayon kay Chief Insp. Gilfred Baruman, hepe ng Dumanjug police, nakarinig ng mga putok ng baril si Barangay Captain Reynaldo Albios dakong ala-1:00 ng madaling araw kanina.

Hindi na ito pinansin ni Albios dahil inakala niyang malayo ito sa kanyang bahay.

Nadiskubre na lamang ni Albios na tadtad na ng bala ang gate ng kanyang bahay dakong alas-6:30 ng umaga.

Tinamaan din ng bala ang kanyang sasakyan.

Ayon sa pulisya, posibleng pananakot ang motibo ng suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente, at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay Bulak, Dumanjug Cebu, Radyo Inquirer, Barangay Bulak, Dumanjug Cebu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.