Canvassing sa dalawang barangay sa Bacolod City hindi pa tapos

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 15, 2018 - 10:30 AM

Magtatanghali na ng Martes hindi pa rin tapos ang canvassing sa dalawang barangay sa Bacolod City.

Ayon kay Atty. Mavil Majarucon-Sia ng Bacolod Election Office, nagkaroon ng delay sa proseso dahil sa pagkakamali ng electoral board.

Sa polling precinct sa Barangay Villamonte at Barangay Tangub nagkamali ang miyembro ng electoral board nang maipasok nila ang lahat ng election returns sa ballot box.

Dapat ayon kay Sia ay mayroong matitirang kopya ng election returns para sa Board of Canvassers.

Dahil sa nangyari, ang kampo ng mga kandidato sa dalawang barangay ay nagreklamo na nagdulot pa lalo ng delay.

Humingi pa ng pahintulot si Sia sa Commission on Elections (Comelec) main office para mabigyan siya ng authority na buksan ang ballot box.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bacolod city, Canvassing, comelec, Radyo Inquirer, bacolod city, Canvassing, comelec, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.