Mga bagong halal na opisyal ng barangay at SK hiniling na maisailalim sa mandatory drug test
Mga bagong halal na barangay at SK officials dapat isailalim sa mandatory drug test ayon sa isang kongresista.
Ipinasasailalim ni 1-CARE Rep. Carlos Roman Uybarreta sa mandatory drug testing ang mga nanalo sa nakalipas na Barangay at SK election.
Ayon kay Uybareta, ito ay isa sa mga paraan na nakikita niya para mabawasan ang mga adik na halal na opisyal salig na rin sa Republic Act 9165.
Bago aniya mabigyan ng sweldo, Internal Revenue Allotment, at mga gamit sa opisina ang isang Barangay at SK officials dapat na matiyak na isailalim muna ang mga ito sa drug test.
Kailangan aniyang matiyak na mabuting ehemplo ang mga mahahalal ngayon sa botohang pambarangay at SK.
Samantala, inirekomenda naman ni Kabayan Rep. Ron Salo ang pagkakaroon ng random voluntary drug testing para sa mga barangay officials sa buong bansa.
Gayunman, dapat anyang hair sample drug testing ang gawin dahil ito ay mahirap dayain kumpara sa nakagawiang urine samples.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.