Most wanted sa Pasig City arestado matapos dalawin ang misis na nanganak

By Rohanisa Abbas May 15, 2018 - 09:54 AM

Arestado ang puganteng nasa most wanted list ng Pasig City police matapos ang ilang buwang pagtatago.

Ipinagbigay-alam ng isang concerned citizen na namataan sa Barangay San Miguel si Ronald Russel Santos na suspek sa panghahalay sa isang 15 taong gulang na babae noong 2016.

Rumesponde ang Pasig City Police Station Intelligence Unit at natimbog si Santos dakong alas-10:15 kagabi.

Ayon sa pulisya, binisita ni Santos ang kanyang asawa na nanganak noong nakaraang linggo.

Nahaharap si Santos sa tatlong bilang ng kasong rape.

Nakakulong na si Santos sa Pasig City Police Station.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pasig City, Pasig City Police, Radyo Inquirer, Rape Suspect, Pasig City, Pasig City Police, Radyo Inquirer, Rape Suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.