Grupo ng mga abogado nagprotesta matapos ang pagpatay sa isang QC prosecutor
Nagsagawa ng programa ang grupo ng mga abogado sa Quezon City Hall para kondenahin ang pagpaslang kay QC Prosecutor Rogelio Velasco.
Pinangunahan Integrated Bar of the Philippines – Quezon City Chapter ang programa.
Naglakad ang grupo sa palibot ng QC Hall of Justice bitbit ang mga streamer na may nakasulat na “Justice for slain prosecutors”, Stop Killing Prosecutors” at “Justice for QCP Velasco”.
Ayon kay IBP-QC Chapter Head Domingo Solis, hihilingin nila sa kamara na mas paigtingin pa ang batas na magbibigay ng seguridad sa mga piskal at hukom sa bansa.
Mayroon aniyang “chilling effect” sa mga abogado ang nangyaring pamamaslang kay Velasco.
Si Velasco ay tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek noong Biyernes, May 11.
Bumuo na ng task force ang QCPD para sa ikareresolba ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.