Mister ng konsehal sa Davao City, sugatan sa chopper crash

Photo: South Cotabato PDRRMO

Nasugatan ang asawa ni Davao City Councilor Mabel Sunga-Acosta sa pagbagsak ng sinasakyan nitong helicopter sa South Cotabato.

Sakay ng nasabing helicopter si Capt. Reynaldo Acosta nang bumagsak ito Lunes ng umaga sa bahagi ng barangay Basag sa bayan ng T’boli.

Si Capt. Acosta ang piloto ng helicopter at wala itong ibang kasama.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Polomolok, T’boli ang helicopter ay pag-aari ng Vibrant Helicopters Agricultural Spray Corporation.

Patungo umano si Acosta sa Brgy. Kling sa Kiamba para magsagawa ng aerial spraying sa Lapanday banana plantation nang bumagsak ang helicopter.

Nagtamo umano ng minor injuries si Capt. Acosta at agad dinala sa Davao City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...