Operasyon sa kidney ni US First Lady Melania Trump naging matagumpay

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 15, 2018 - 07:42 AM

EPA-EFE

Sumailalim sa operasyon sa kidney si US First Lady Melania Trump.

Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ni Mrs. Trump na si Sthephani Grisham, “embolization procedure” ang ginawa kay Melania dahil sa kaniyang benign kidney condition.

Nananatili pa ngayon ang 48 anyos na si Melania sa Water Reed National Medical Center at inaasahang mamamahinga doon ngayong linggo matapos ang matagumpay na procedure.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni US President Donald Trump na bibisitahin niya si Melania matapos ang operasyon.

Nasa mabuting kondisyon aniya ang kaniyang misis.

Ang embolization procedure ay isang non-invasive surgery kaya mabilis lang ang recovery ng mga sumasailalim dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: embolization procedure, Melania Trunp, US First Lady, embolization procedure, Melania Trunp, US First Lady

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.