Surigao del Norte at Surigao del Sur niyanig ng lindol
Niyanig ng magkasunod na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur at Surigao Del Norte.
Ayon sa Phivolcs, ala 1:14 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng General Luna sa Surigao Del norte.
30 kilometers ang lalim ng lindol at naitala ang epicenter nito sa 38 kilometers South ng General Luna.
Samantala, ala 1:30 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Bayasbas sa Surigao del Sur.
Naitala naman ang epicenter ng lindol sa 132 kilometers North ng Bayasbas at 57 kilometers ang lalim.
Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.