Pangulong Duterte nagpaliwanag sa hindi pagboto sa Barangay elections

By Chona Yu May 15, 2018 - 06:35 AM

Purely political.

Ito ang naging rason ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya pinili niyang huwag nang bomoto sa barangay elections.

Sa ambush interview sa pagbisita sa burol ni dating Senate President Edgardo Angara sa Heritage Park sa Taguig, sinabi ng pangulo na lahat ng kumandidato sa barangay elections ay kanyang mga kaibigan.

Halos lahat aniya ng nga kumandidato ay kanyang mga taga suporta sa katatapos na 2016 national elections.

Bukod dito sinabi ng pangulo na pinagkakautangan niya ng loob ang mga kumandidato.

Ayon sa pangulo, kapag bomoto siya, tiyak na may kandidatong magdudua kung sino ang kanyang ibinito.

Kaya para mabura ang mga pagdududa, sinabi ng pangulo na pinili na lamang niya ang huwag nang bomoto.

Bagama’t hindi bomoto, sinabi ng pangulo na naging abala naman siya kahapon sa pagmomonitor sa buong bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay elections, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Barangay elections, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.