Pangulong Duterte. bumisita sa burol ni dating Sen. Angara

Photo courtesy of SAP Bong Go

Magaling at diplomatiko.

Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang namayapang dating senador na si Edagardo Angara.

Martes ng madaling araw nang dumalaw ang pangulo sa burol ni Angara sa Heritage Park sa Taguig City.

Kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita si Special Assistant to the President Christopher Bong Go. Sa kanyang pagbisita ay inalala at binigyang pugay ng pangulo si Angara.

Aniya, ang dating senador ang nagsisilbing tagapagtanggol ng kanyang bibig sa mga miyembro ng European Union. Matatandaang bago ito yumao ay itinalaga si dating Senador Angara ni Pangulong Duterte bilang special envoy to the EU.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...