43 patay sa pananalasa ng bagyo sa India

Nasawi ang hindi bababa sa 43 tao matapos manalasa ang isang malakas na bagyo sa hilagang bahagi ng India.

Ayon sa mga otoridad, nagawang masira ang mga bahay at mabunot ang mga puno sa lugar dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.

Karamihan umano sa mga nasawi ay dahil nalibing ng buhay ang mga ito sa guho ng mga gusali na resulta ng malalakas na hangin at natutumbang puno.

Sa bayan ng Bareilly, patay ang walong tao matapos mahulog ang minaret ng isang moske sa grupo ng mga tao na lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Ang naturang bagyo ay dalawang linggo lamang matapos bayuhin ng kaparehong sama ng panahon ang India, kung saan umabot ng 134 ang nasawi.

Ayon kay meteorological office director for Uttar Pradesh, J.P. Gupta, sa mga ganitong mainit panahon ay madalas talaga ang pagdating ng mga bagyo sa kanilang bansa. Ngunit masyadong malakas ang dalang hangin ng mga bagyong tumama sa kanilang lugar ngayon.

Batay kasi sa tala, 109 kph ang hanging bumayo sa hilagang bahagi ng India.

Read more...