Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, tiniyak ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez na pinoprotektahan ng militar ang pag-aari ng bansa sa Spratly Islands.
Pahayag ito ng AFP sa gitna ng malawakang pagtatayo ng China ng mga istraktura sa West Philippine Sea, pinakahuli ang umanoy paglalagay ng missiles at jamming equipment sa ilan nilang artipisyal na mga military bases.
Ayon kay Galvez, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaalyadong bansa at kanilang counterparts para kumpirmahin ang naturang impormasyon.
Sakop ng Pilipinas ang siyam sa teritoryo sa Spratlys. Binabantayan ng marines at navy ang Pagasa Island, Ayungin Shoal, Lawak Island, Parola Island, Patag Island, Kota Island, Rizal Reef, Likas Island at Panata Island.