Proteksyon ng teritoryo ng Pilipinas sa Spratlys, tiniyak ng AFP

By Len Montaño May 15, 2018 - 03:14 AM

Nangako ang Armed Forces of the Philippined (AFP) na poprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa gitna ng konstruksyon ng China sa lugar.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, tiniyak ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez na pinoprotektahan ng militar ang pag-aari ng bansa sa Spratly Islands.

Pahayag ito ng AFP sa gitna ng malawakang pagtatayo ng China ng mga istraktura sa West Philippine Sea, pinakahuli ang umanoy paglalagay ng missiles at jamming equipment sa ilan nilang artipisyal na mga military bases.

Ayon kay Galvez, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaalyadong bansa at kanilang counterparts para kumpirmahin ang naturang impormasyon.

Sakop ng Pilipinas ang siyam sa teritoryo sa Spratlys. Binabantayan ng marines at navy ang Pagasa Island, Ayungin Shoal, Lawak Island, Parola Island, Patag Island, Kota Island, Rizal Reef, Likas Island at Panata Island.

TAGS: AFP, Spratly's, AFP, Spratly's

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.